BENGUET – Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Pico, La Trinidad ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 19.
Nasa custodial facility ngayon ng PDEA ang dalawang suspek na isang 26-anyos na construction worker at isang 40-anyos na magsasaka, parehong residente ng Badeo, Kibungan, Benguet.
Naaresto ang dalawang suspek matapos na marekober sa kanila ang 6 marijuana stalks na tinangka nilang ibenta sa poseur buyer.
Tinatayang nagkakahalaga ng P162,000 ang nakumpiskang marijuana stalks mula sa suspek.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek. ROLANDO S. GAMOSO