Home METRO Rapist na top most wanted, isinelda

Rapist na top most wanted, isinelda

107
0

REINA MERCEDES, Isabela-Sa kulungan ang bagsak matapos mapasakamay ng mga kapulisan ng Isabela ang isang lalaking magsasaka na kabilang sa listahan ng No.8 Top Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape dito sa nasabing bayan.

Sa direktiba ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na hulihan ang mga nagkaaala sa batas par mabigyan ng hustisya ang nabiktima kung kayat nahuli ang suspek na kinilalang si alyas “James” na napasakamay ng pinagsanib na pwersa na pinangunahan ng Reina Mercedes PS katuwang ang RIU 2 PIT East, PIU-IPPO at PIDMU-IPPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Oktubre 16, 2024 at walang inirekomendang piyansa para sa kasong nabanggit.

Kaagad namang inimpormahan ang suspek sa kaniyang mga karapatan bilang isang akusado at Kasalukuyan ng nasa pangangalaga ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here