Home NATIONWIDE Sorsogon Bishop Emeritus Bastes pumanaw na sa edad na 80

Sorsogon Bishop Emeritus Bastes pumanaw na sa edad na 80

MANILA, Philippines – Pumanaw na nitong umaga, Oktubre 20 si Sorsogon bishop Emeritus Most Rev. Arturo Bastes ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi ng CBCP na pumanaw sa edad na 80 ang Obispo alas-6:30 ng umaga.

Bago ang kanyang panunungkulan bilang obispo ng Sorsogon mula 2003 hanggang 2019, nagsilbi rin si Bastes bilang obispo ng Romblon noong 1997.

Siya ay naordinahan bilang pari noong 1970.

Noong 2016, sinimulan ni Bastes ang paglulunsad ng isang kampanya sa hangaring maglaan ng 20% ​​ng rekurso ng gobyerno sa isang anti-poverty fund o Serendipity fund, ayon sa CBCP.

Naglingkod din siya bilang chairman at presidente ng Philippine Bible Society noong 2008.

Nagpahayag din si Bastes ng kanyang opinyon sa nakaraan sa mga maiinit na usapin.

Noong 2017, sinabi niya na ang reklamong inihain laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court ay magbibigay liwanag sa mga pagpatay na may kaugnayan sa droga sa bansa.

Dapat din aniyang ‘wala sa pag-iisip’ si Duterte para magbanta na aalisin ang Commission on Human Rights sa 2017.

Nagpahayag din siya ng pagtutol sa mining operations lalo na sa Albay dahil sa usapin pangkapaligiran. Jocelyn Tabangcura-Domenden