Home METRO Tulay bumigay sa tumawid na truck

Tulay bumigay sa tumawid na truck

159
0

DAVAO CITY – TULUYAN bumagsak ang 20 metro na tulay matapos pilit na dumaan ang 10-wheeler truck na may mga kargang lupa at bato kahapon, Oktubre 19 sa lungsod na ito.

Ayon kay Barangay Kagawad Oniel Pariñas, hapon noong Sabado Oktubre 19, 2024, pilit na tumawid ang 10-wheeler truck sa tulay sa Km 8, Purok 6-A Iñigo, Barangay Matina Pangi, Davao City.

Aniya, hindi dapat dumaan ang truck sa tulay dahil marupok na rin ito at hindi na kaya ang bigat na 5 tonelada, subalit pinilit pa rin nilang tumawid dahilan para bumigay ang tulay.

Matapos ang insidente tumakas ang driver ng truck.

Humingi naman ng tulong ang barangay sa lokal at nasyonal na pamahalaan para sa pagpapagawa ng tulay dahil wala silang sapat na pondo para sa pagpapagawa. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here