Home METRO 2 timbog sa Taguig buy-bust ops

2 timbog sa Taguig buy-bust ops

MANILA, Philippines – Dalawang indibidwal ang nasakote sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Taguig City Sabado ng madaling araw, Setyembre 28.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga nadakip na suspek na sina alyas Miyong, 26, at isang alyas Arvin, 34.

Base sa report na natanggap ng SPD, naganap ang pagdakip sa mga suspects dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Barangay Central Signal, Taguig City.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 21.4 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱145,520.

Bukod sa ilegal na droga ay narekober din sa mga suspek ang isang itim na coin purse at ang dalawang tig-₱100 buy-bust money at limang piraso ng tig-₱1,000 counterfeit money.

Ang nakumpiskang shabu ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police. James I. Catapusan