Home METRO Mag-ama hinigop ng dagat

Mag-ama hinigop ng dagat

ILOCOS SUR-Patay ang isang menor de edad na lalaki samantalang pinaghahanap pa ang tatay nito matapos na malunod ang mag-ama sa dagat sa Brgy. Calay-ab, Sto. Domingo ng lalawigang ito kahapon, Setyembre 28.

Ayon sa Sto. Domingo Municipal Police Station, ang mga biktima ay 16-anyos na lalaki at ang tatay nitong 37-anyos, parehong residente ng Ph9 Pkg5 Blk 6, Lot 1 Bagong Silang, Quezon City.

Base sa pahayag ng mga kamag-anak ng mga biktima na nakausap ng mga otoridad, naliligo ang mga ito sa dagat nang biglang hatakin ng malakas na current ng tubig ang mag-ama hanggang sa malunod ang dalawa.

Sa isinagawang search and rescue operation ang mga personnel ng PNP at BFP Sto. Domingo ay na-rescue nila ang 16-anyos na biktima.

Agad na dinala sa Northside Doctors Hospital ang 16-anyos na biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy naman ang ginagawang search and retrieval operation ng PDRRMO-Ilocos Sur at Philippine Coastguard sa tatay nito. Rolando S. Gamoso