PANGASINAN-Swak sa kulungan ang isang high value drug target na 47-anyos na lalaki matapos na makarekober ang mga otoridad ng 860 na gramo ng shabu sa isinagawang raid laban sa suspek sa bayan ng Bayambang ng lalawigang ito nitong Biyernes, Setyembre 27.
Base sa inilabas na press release ni Police Lt. Col. Benigno C. Sumawang, chief ng RPIO, ang 47-anyos na suspek ay Regional Top Priority Target, leader ng drug group na nag-ooperate sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang naturang raid laban sa suspek ay joint operation ng RPDEU (lead unit) at mga law enforcement unit mula sa RID PRO1, PDEG SOU1, PDEA Pangasinan, SWAT Pangasinan at Bayambang MPS.
Tinatayang nagkakahalaga ng P5,848,000.00 ang nadiskubreng shabu ng mga otoridad na nakalagay sa isang malaking transparent na plastic bag.
“The successful arrest of a high-value target and the seizure of a substantial amount of shabu demonstrate our commitment eradicating drug trade in our beloved region. We will continue to employ all available resources and strategies to dismantle drug syndicates and ensure a safer, drug-free community for all,” wika ni PRO1 Regional Director PBGen. Lou F. Evangelista. Rolando Gamoso