Home METRO 2 tinambangan sa Malabon, malubha; mga armadong suspek, tinutugis

2 tinambangan sa Malabon, malubha; mga armadong suspek, tinutugis

1
0

MALABON CITY, Philippines – Pawang malubha ang isang jeepney driver at kasama nito makaraang tambangan ng dalawang armadong suspek habang namamasada, napaulat kagabi sa Malabon City.

Sina alyas “Jerome” 30, ng Gov. Pascual St Brgy. Tinajeros ay nagtamo ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan at kasalukuyang isinasailalim sa gamutan sa  San Lorenzoe Ruiz Hospital.

Ang jeepney driver naman na  si alyas “Sherwin”, 37, ng Lapu-Lapu St Brgy. 77 Caloocan ay napaulat na malubha rin ang lagay  sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tama ng bala sa tiyan na tumagos sa  kanang bahagi ng kili-kili.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan  ni Northern Police District (NPD ) Director P/BGen. Benliner Capili, kasalukuyang namamasada ang mga biktima at habang  binabagtas  ng mga ito ang kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy Tinajeros, bigla na lamang silang pinara  ng dalawang suspek sa tapat ng K-BBQ & Milk Tea.

Kasunod nito, niratrat ng bala ang mga biktima ng mga armadong suspek.

Makaraan ang pamamaril, patakbong nagsitakas ang mga suspek patungong  Kaingin St.

Anim na  basyo ng bala at isang depormadong  bala ng di pa mabatid na kalibre ng baril ang nakuha ng mga  tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) .

Habang isinusulat ang insidenteng ito, hindi pa rin batid ng pulisya ang dahilan ng ginawang pananambang sa mga biktima.

Samantala, tinutugis na ng  Malabon-PNP ang mg suspek upang papanagutin sa nasabing kaso. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here