Home NATIONWIDE 2 todas sa karambola ng 6 sasakyan sa Bulacan

2 todas sa karambola ng 6 sasakyan sa Bulacan

Bulacan – Patay ang isang motorcycle rider matapos aksidenteng sumalpok sa kasalubong na bus sa kasagsagan ng malakas na ulan sa bayan ng San Rafael.

Kinilala ng pulisya ang kalunos-lunos na biktimang si Marvin Bognot, 24, binata, residente ng Brgy. Maguinao ng naturang bayan.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 10:50 ng gabi nitong Hulyo 8 sa Cagayan Valley road, Brgy. San Roque.

Ayon sa report, habang binabagtas ng bus ang southbound lane na minamaneho ni Ronaldo Cruz, 43 ay aksidenteng nakasalpukan ang motorsiklong Honda TMX.

Nang makarating ang rescue team ay isinugod ang rider sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay.

Sa naturang lugar pa rin, ilang minuto lang ang lumipas ay nahagip naman ng rumaragasang puting Toyota Fortuner na paluwas ang Honda Click na minamaneho ng isang Amiel Sebastian, Honda TMX Alpha na minamaneho ni Jayson Gonzeles na may ka-angkas at isa pang motorsiklong minamaneho ni John Eric Castro na kapwa pa nortbound.

Dahil dito, tumilapon ang mga rider at back rider ng mga motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala sa ibat-ibang parte ng katawan.

Agad din dinala ang mga sugatan sa ospital para sa paunang lunas subalit sa kasamaang palad ay namatay si Amiel kalaunan.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng pulisya. Dick Mirasol III