Home HOME BANNER STORY 2 tricycle sinalubong ng Raptor, 3 patay!

2 tricycle sinalubong ng Raptor, 3 patay!

MANILA, Philippines – Tatlo ang patay habang anim ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Barangay Bucal, Calamba City, Laguna, madaling araw ng Miyerkules, Nobyembre 1.

Sangkot sa karambola ang dalawang tricycle at isang Ford Raptor pick-up truck.

Ayon sa ulat, binabagtas ng dalawang tricycle ang national highway patungong direksyon ng Barangay Pansol, habang ang pick-up truck ay nasa kabilang lane nang bigla na lamang sakupin ng pick-up truck ang lane ng dalawang tricycle.

Samantala, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Gilbert Palupit, at mga kaanak nitong sina Aileen Palupit at Maria Aleisha Gale Palupit.

Sugatan naman ang iba pang sakay ng tricycle na sina Akisha Gillen Palupit, Allyssa Joy Palupit, at Ayesha Gillian Palupit; at drayber at sakay ng isa pang tricycle na sina Rey San Juan at Myla San Juan.

Nasaktan din sa insidente ang pasahero ng pickup truck na si Clay John Nieto Tianzon.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng Ford Raptor na kinilalang si Alyssa Mae Pacrin Abitria upang masampahan ng kaukulang kaso. RNT/JGC