Home ENTERTAINMENT K-pop/K-star personalities na pumanaw ngayong 2023

K-pop/K-star personalities na pumanaw ngayong 2023

MANILA, Philippines – Ginulantang din ng mga balita tungkol sa pagpanaw ng ilang Korean personalities ang mundo ng K-pop at K-drama!

Unang-una na rito ay ang pagpanaw ng K-pop star at Astro member na si Moonbin.

Matatandaan na noong April 20 ay kinumpirma ng music label ni Moon Bin na pumanaw na ang K-pop artist.

“All Astro members, Fantagio colleagues, executives and employees who’ve been together for a long time are deeply mourning the deceased in such great sadness and shock,” sinabi ng music label nitong Fantagio.

“Moon Bin always loved and thought of the fans more than anyone else.”

Sa ulat ng Gangnam Police Station, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Moon Bin sa tirahan nito sa Seoul. Dagdag ng pulisya, walang nakitang foul play sa insidente.

Bumuhos ang pagdadalamhati ng mga fans at malalapit na kaibigan at pamilya ni Moon Bin kasunod nito.

Samantala, May 15 naman nang pumutok ang balita na natagpuang wala nang buhay sa hotel room nito, ang K-pop singer/TROT singer na si Haesoo.

Si Haesoon ay pumanaw sa edad na 29 kung saan natagpuan ng mga pulis ang suicide note sa kwarto kung saan natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng K-pop singer.

Inalis din ng pulisya ang posibilidad ng foul play sa naturang insidente.

Samantala, Hunyo 2023 nang matagpuan ding wala nang buhay sa sariling tirahan ang South Korean pop star na si Choi Sung-bong na matatandaan nalantad din na nagpapatakbo ng isang viral na cancer scam.

Bago ang pagkamatay ni Choi Sung-bong, nag-upload pa ito ng liham sa kanyang YouTube na humihingi ng tawad “to all who suffered from my foolish mistake.”

Pinakahuli ay ang pagkakadiskubre rin ng wala nang buhay na katawan ng Korean singer na si Lee Sang Eun noong Hulyo 6, o ilang sandali lamang bago ang nakatakda sana nitong performance.

Wala ring nakitang foul play ang pulisya sa kanyang pagkasawi.

Sa mga panahong ito, alalahanin natin ang kamatayan ng mga personalidad na nagbigay din ng kontribusyon sa ating lipunan. RNT/JGC

Previous article2 tricycle sinalubong ng Raptor, 3 patay!
Next articleLalaki na wanted sa pagpatay, arestado sa Caloocan