MANILA, Philippines – INARESTO ng pulisya sa loob ng kulungan ang isang lalaki na wanted sa kaso ng pagpatay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang inarestong akusado sa alyas “Boy”, 41 ng Brgy. 176 ng lungsod at listed bilang No. 1 top most wanted person ng Northern Police District (NPD).
Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nagsagwa ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera ng manhunt operation kontra wanted persons nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado, alas-4:45 ng hapon.
Ani Major Rivera, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 129, noong September 29, 2023 para sa kasong Murder.
Ang akusado ay kasalukuyang nakapiit sa Caloocan City Jail sa Talimusak St., corner Tanigue St., Dagat-dagatan matapos maaresto sa hindi nabanggit na kaso. R.A Marquez