Home ENTERTAINMENT Boobay, hinimatay, natumba sa stage!

Boobay, hinimatay, natumba sa stage!

Aparri, Philippines – Absence seizure.

Ito ang matatandaang uri ng seizure na umatake kay Boobay (Norman Balbuena sa totoong buhay) nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda noong April 2013.

Sa kalagitnaan ng panayam sa kanya ni Boy ay hindi na lang nakapagsalita ang Kapuso comedian, dahilan para sumegwey to a commercial break ito.

Pagbalik sa ere’y okey na’t maayos na uli ang pakiramdam ni Boobay.

Tila ganitung-ganito rin ang nangyari sa kanya habang nagtatanghal sila ng kapwa Kapuso comedian na si Pepita Curtis sa town fiesta sa Aparri.

Nakunan ng video habang kumakanta’t nagkukulitan sina Boobay at Pepita sa entablado to the delight of the audience.

llang sandali pa’y bigla na lang natumba si Boobay at sumalampak sa sahig.

Ang ulo niya’y nasa gawi ng sound system sa stage.

Sa Facebook post ni Vice Mayor Rene Chan, saglit lang ang lumipas at nagbalik na ang video.

Sa pagkakataong ito’y si Pepita na lang ang nasa stage para magpasalamat sa itinulong ng ilang tao roon kay Boobay.

In-assure din ni Pepita na nasa hotel na si Boobay at nagpapahinga.

Wala raw dapat ipag-alala ang kanyang mga fans.

Ayon mismo kay Boobay, ang absence seizure ay nakuha niya noong ma-stroke siya taong 2016.

Pinayuhan siya noon ng kanyang mga doktor na maghinay-hinay sa trabaho lalo na sa pagpupuyat.

Madalas kasing maglagare noon si Boobay na sumasampa pa sa stage ng pinagtatanghalang comedy bar sa Quezon City.

Sinamantala na rin ni Pepita ang pagkakataon para i-promote ang mga show ni Boobay sa GMA. Ronnie Carrasco IIi