Home METRO 2 Tsino, 22 iba pa timbog sa illegal mining raid sa MisOr

2 Tsino, 22 iba pa timbog sa illegal mining raid sa MisOr

181
0

MANILA, Philippines – Nangako ang pulisya sa Northern Mindanao na tututukan ang mas malalaking network sa likod ng ilegal na pagmimina matapos ang isang raid sa Misamis Oriental nitong Linggo na nakapagtala ng P30.8 milyon halaga ng kagamitan at pag-aresto sa 24 suspek, kabilang ang dalawang Chinese nationals.

Ayon kay Brig. Gen. Christopher Abrahano, direktor ng Police Regional Office 10, nagpapahiwatig ang operasyon sa bayan ng Opol na sangkot ang malalaking operator.

“There are still larger individuals and networks behind these illegal mining activities, and we will pursue them through sustained intelligence gathering and strengthened inter-agency operations,” ani Abrahano.

Sa joint operation kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission at iba pang ahensya, naaresto ang mga suspek sa Barangay Tingalan.

Sinabi naman ni PAOCC Undersecretary Benjamin Acorda Jr. na bahagi ang raid ng kampanya ng gobyerno laban sa economic sabotage, at itinuturing ang ilegal na pagmimina bilang pangunahing suliranin.

Ang nakumpiskang kagamitan at ore ay isusumite sa Mines and Geosciences Bureau, habang i-vivérify ng Bureau of Immigration ang status ng mga banyagang nasakote. Mary Ann Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here