MANILA, Philippines – Binalaan ni Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela nitong Lunes ang Chinese Embassy sa Maynila dahil sa mga pahayag na kanyang tinawag na “brazen and abrasive” laban sa mga halal na opisyal ng Pilipinas.
Sinabi ni Tarriela, na tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, na ang mga pahayag ng embahada ay “blatant disrespect against Philippine elected officials in our own soil.”
“As Filipinos, we must recognize that this attack on our sitting Senators by foreign diplomats is not merely an assault on the Senate as a democratic institution, but a direct challenge to our sovereignty and to the Filipino people as a whole,” ani Tarriela.
Ang pahayag ni Tarriela ay tugon sa mga social media posts at pahayag ni Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei laban sa kanya at ilang senador, kabilang sina Risa Hontiveros, Erwin Tulfo, at Kiko Pangilinan.
Tumugon naman si Guo, tinanong kung kumakatawan ba si Tarriela sa mga Pilipino at binatikos ang mga opisyal na sumuporta sa kanya bilang “helpers.”
“Can’t win the argument, so you call in helpers? When that fails, you fan the flames? Before posting, get one thing straight: every time you speak up, who’s attacking, and who’s defending? A factual response isn’t ‘disrespect,’ let alone ‘assault.’ If you invoke the freedom to attack, we have the right to defend,” ani Guo.
Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsagawa ito ng “firm representations” sa Chinese ambassador at nagtaas ng “serious concerns” sa paglala ng palitan ng pahayag.
Inulit ng DFA ang suporta nito sa mga opisyal na nagtatanggol sa soberanya, at sinabi na ang kanilang mga pananaw ay bahagi ng “robust plurality of ideas” sa isang demokratikong lipunan.
Tinawag din ng tagapagsalita ng National Security Council na si Assistant Director General Cornelio Valencia Jr. na “undiplomatic and uncalled for” ang mga pahayag ng Chinese embassy, at idinagdag na tungkulin ng mga opisyal ng Pilipinas na ipaalam sa publiko ang mga kaganapan sa pambansang seguridad nang hindi nangangailangan ng pahintulot mula sa anumang banyagang gobyerno. Dave Baluyot