Home NATIONWIDE ‘Diverticulitis’ operation ni PBBM, fake news — Malakanyang

‘Diverticulitis’ operation ni PBBM, fake news — Malakanyang

228
0
Matapos bumuto kaninang umaga ay agad na nagtungo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at dating Unang Ginang Imelda Marcos sa Immaculate Conception Parish, Batac City, Ilocos Norte, para mag-alay ng panalangin. REY VELASCO/REMATE

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na “fake news” ang kumakalat ngayon sa social media na sasailalim sa medical operation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ma-diagnose na may diverticulitis.

“Wala pong ganoong balita na maibibigay po tayo dahil ngayon po ang Pangulo ay nasa meeting. So, yan po ay fake news,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Sa katunayan, aniya, ay maganda ang kalagayan ng Pangulo dahil ito nga ay kasalukuyang nasa Economy and Development Council (EDC) meeting kasama ang kanyang economic team.

“At marami po silang napag-uusapan patungkol doon at kung anuman po ang kanilang napag-uusapan ay maari kong ibigay bukas dahil hindi pa po tapos ang meeting,” ani niya.

Dahil dito, back to normal na aniya ang iskedyul ng Pangulo.

Samantala, hindi naman masabi ni Castro kung wala nang iniinda ang Pangulo dahil personal aniyang nararamdaman ng Pangulo kung ano ang sumasakit sa kanya lalo na sa kanyang tiyan. “Sa ngayon, aniya, ay wala siyang iniinda,” ang sinabi ni Castro.

Matatandaang kamakailan ay isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos makaranas ng discomfort. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here