Home METRO 2 tulak nabitag sa buy-bust sa Valenzuela

2 tulak nabitag sa buy-bust sa Valenzuela

223
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang drug suspects kabilang ang isang lolo sa naganap na buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

SA kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Chief P/Lt. Sherwin Dascil na ikinasa nila ang buy bust operation kontra kay alyas “Erik”, 26, ng Brgy. Bignay nang positibo ang natanggap nilang report hinggil sa pagbebenta umano nito ng shabu.

Nang tanggapin umano ni ‘Erik’ ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay agad siyang dinamba ng mga tauhan ni Lt. Dascil alas-3:45 ng madaling araw sa waiting shed, sa West service road, Brgy. Paso De Blas.

Ani PMSg Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang nasa limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000, buy bust money na isang tunay P500, kasama ang dalawang P500 boodle money, pulang coin purse at P200 cash.

Samantala, dakong alas-3:45 ng hapon nang maaktuhan ng mga tauhan ng Malinta Police Sub-Station 4 ang dalawang lalaki na abala umano sa pagsusugal ng cara y cruz sa harap ng isang abandonadong bahay sa Makipot Bukid, Brgy. Malinta.

Nasamsam sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakuha kay alyas “Erne”, 61, garbage collector. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here