Home METRO 2 tulak patay sa buy bust, 1 arestado

2 tulak patay sa buy bust, 1 arestado

TACLOBAN CITY -PATAY ang dalawang tulak ng iligal na droga habang nadakip ang isang babae matapos umanong manlaban ang mga ito sa isinagawang buy bust operations ng mga awtoridad, nitong Martes, Disyembre 5 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga namatay na suspek na sina alyas Bong, alyas Palomo, habang nadakip naman si alyas Neneth, lahat ay nasa tamang edad at mga residente ng Brgy. Cogon Palo, Leyte.

Ayon kay PMaj. Marjorie Manuta, Information Officer ng Police Regional Office 8, inilatag ang buy bust operation laban sa mga suspek sa Brgy. 84 Manlurip, San Jose, Tacloban City.

Nakatunog umano ang mga suspek sa pulis ang kanilang katransaksyon dahilan para paputukan ng mga ito ang operatiba.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan sina Bong at Palomo, na nasa no. 1 top 10 priority list ng PRO-8 na nagresulta ng kanilang kamatayan habang nadakip naman si alyas Neneth na 2nd top 10 Regional Priority List ng PRO-8.

Nakuha sa mga suspek ang 7 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang may market value na ₱1 milyon.

Kasalukuyan naman nakakulong si Neneth at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

Previous articleTotoy na umakyat sa puno ng mangga, nakuryente
Next articleAnchor ng SMNI pinatawan ng contempt ng Kamara