MANILA, Philippines- May kabuuang P1,224,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam mula sa dalawang drug pushers na tinukoy na high-value individuals (HVIs) sa isang buy-bust operation sa Cardona, Rizal.
Kinilala ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) ang mga suspek na sina “Pusoy” at “Jepoy.” Nadakip sila kasunod ng operasyon na isinagawa ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU) sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules.
Nasabat ng mga awtoridad ang 11 paketeng naglalaman ng halos 180 gramo ng hinihinalang shabu at iba pang non-drug evidence.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Cardona Municipal Police Station ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA