Home ENTERTAINMENT Bea, may hanash sa usaping marriage!

Bea, may hanash sa usaping marriage!

Manila, Philippines – Bago matapos ang taon ay may humabol pa na bagong endorsement sa aktres na si Bea Alonzo.

Hindi maikakailang isa si Bea sa top showbiz moneymakers and busiest stars ng 2024.

Super successful ang kanyang drama series na “Widow’s War” sa GMA7 gabi-gabi, at may movie na ipinalabas kasabay ang iba pang movie offers.

Recently, inilunsad si Bea bilang endorser ng killing jewelry shop, ang My Diamond.

Sa nasabing event ay naitanong namin kay Bea kung meron ba siyang dream wedding ring.

“Hindi ko alam. Depends siguro. Parang ayoko ng pag-usapan yung mga ganyan,” sabay tawa ni Bea.

Para Kay Bea, hindi naman daw marriage ang end game ng lahat.

“We have different paths, different destinies and fate.

“Of course, it would be nice. But hindi yun ang end goal (ko).

“If it happens I would be happy. But, it doesn’t mean that I would give myself up if it doesn’t happen or I would feel like a failure if it doesn’t happen ‘coz I feel like on my own I’m happy,” esplika ni Bea.

Pero di naman daw nangangahulugan na romance is out of the question for her.

“Hindi ko naman sinasabi na close talk na ako, yung kinu-close ko yung doors ko. But right now honestly, I’m enjoying being single. I mean, ang dami ko’ng nakikilalang bagong tao. So, but yeah, I’m still enjoying my own company,” sabi ni Bea.

Hindi naman itinanggi ni Bea na may mga suitors siya.

“Uh, may mga nagpaparamdam. Syempre, I’m single. But yeah, I’m not dating anybody exclusively,” pagamin ni Bea. Julie Bonifacio