MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Biyernes na sa Dec. 13, 1,595 tauhan nito ang nakatakdang i-deploy sa bilang bahagi ng “Ligtas Paskuhan” 2024 initiative upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa holiday season.
Sinabi ni QCPD Chief Col. Melecio Buslig Jr. na susuportahan ito ng 2,363 force multipliers mula sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) o mga barangay tanod, security agencies, non-government organizations (NGOs), at civilian volunteer groups.
Tututukan ng deployment ang 246 high-traffic areas sa Quezon City, kabilang mga simbahan, major thoroughfares, malls, at mga pamilihan, bus terminals, MRT/LRT stations, maging community firecracker zones (CFZs), at display areas (FDAs).
Gagamit din ang QCPD ng 2,915 piraso ng equipment, kabilang ang mga motorsiklo, mobile cars, personnel carriers, mga bus, bike, mga truck, at mga ambulansya.
Gayundin, gagamit ng communication devices tulad ng base and handheld radios, body-worn cameras, drones para sa aerial monitoring, at crowd dispersal management (CDM) gear.
“Ang deployment na ito ay patunay ng ating dedikasyon na tiyakin ang kaligtasan ng mga QCitizens at masiguro ang maayos na selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon,” pahayag ni Col. Buslig. RNT/SA