Home METRO Most wanted arestado sa ‘My Day’

Most wanted arestado sa ‘My Day’

MANILA, Philippines- Tuluyan nang nahuli ang most wanted individual sa Maynila para sa ilegal na droga matapos mag-post ng “My Day” status sa kanyang Facebook account, sabi ng Manila Police District (MPD).

Sinabi ni Manila Police District – 13 station commander Lt. Col. Emmanuel Gomez na natunton ng mga awtoridad ang suspek matapos hindi sinasadyang i-post nito ang kanyang lokasyon sa kanyang social media.

Idinagdag niya na ang suspek ay dati nang nakaiwas sa pagkakaaresto matapos makatakas sa inilunsad na buy-bust operation laban sa kanya. Ang iba pa niyang kasamahan ay naaresto sa operasyon.

Tuluyang naaresto ang 24-anyos na suspek habang nasa loob ng kanyang hideout sa Baseco.

Kasalukuyang nakaditine ang suspek sa Baseco Police Station habang hinihintay ang kanyang court commitment order. Jocelyn Tabangcura-Domenden