MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang dalawang umano’y tulak matapos masamsaman ng P758,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Binangonan, Rizal.
Iniulat ng Police Regional Office 4A na naaresto ang mga tulak na sina “Ed” at “Jeng” matapos nilang pagbentahan ng P2,000 halaga ng shabu ang poseur buyer sa Barangay Batingan.
Nakuha mula sa mga suspek ang pitong plastic sachet at dalawang knot-tied plastic bags na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 110.24 gramo na nagkakahalaga ng P748,952.
Nakumpiska rin ang isang mobile phone mula sa mga suspek.
Ang mga ito ay ikinokonsiderang high-value target ng pamahalaan.
Iniimbestigahan na ang posibleng source ng mga ito ng illegal na droga.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC