Home METRO 2 tulak timbog sa halos P.5M droga sa Caloocan

2 tulak timbog sa halos P.5M droga sa Caloocan

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.5 milyong halaga ng illegal na droga nang matimbog sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Wakwak”, 59 ng Palon St., Brgy. 69 at alyas “Jeff”, 28 ng Galileo St., Brgy. 185.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 72.4 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P492,320.00 at buy bust money na isang tunay P1,000 bill na may kasamang 17-pirasong P1,000 boodle money.

Base sa natanggap na report ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, unang nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

Nang positibo ang report, kaagad isinagawa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaresto sa mga suspek dakong alas-11:20 ng gabi sa Alley 1st Avenue, Brgy., 120 matapos bintahan ng P18,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Art II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. R.A Marquez

Previous articleMga biktima ng sunog sa Palawan, tatanggap ng P35M ayuda
Next articleSen. Tolentino bumisita sa The Hague