Home METRO 2 ‘tulak’ timbog sa P13.6M shabu

2 ‘tulak’ timbog sa P13.6M shabu

ZAMBOANGA CITY- Nasabat ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon at naaresto ang dalawang hinihinalang drug pushers sa isang buy-bust operation sa lugar na ito nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Amil Khan Mahadali Abubasar, alyas Saddam, 26, at Muhajiran Romeo Jumlah, 27, kapwa taga-Jolo, Sulu, at high-value individuals.

Nadakip ang mga suspek sa parking lot ng isang fast-food outlet matapos magbenta ng shabu sa isang poseur-buyer.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon, boodle money, motorsiklo at isang cellular phone.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articlePagsawata sa karahasan vs kababaihan paiigtingin ng PNP  
Next articleDFA umapela sa Tsina: Stop harassing us