Home NATIONWIDE Pagsawata sa karahasan vs kababaihan paiigtingin ng PNP  

Pagsawata sa karahasan vs kababaihan paiigtingin ng PNP  

MANILA, Philippines- Nakalulusot ang ilang kalalakuhan sa pang-aabuso nila laban sa kanilang partner dahil binibigyan pa rin sila ng pagkakataong magkaayos bago magkasa ng legal measure, ayon sa opisyal ng Philippine National Police (PNP). 

Noon lamang 2023, sinabi ni Police Brig. Gen. Portia Manalad, director ng Women and Children Protection Center (WCPC), na nakapagtala sila ng 2,644 kaso ng violence against women subalit hindi lahat ng ito ay kinasuhan sa korte matapos magkasundo ng ilan sa kanilang isantabi ang kanilang pagkakaiba at magbalikan.

“We did not file as many cases (based on the complaints) because usually, after the partners had the time to talk, the complainant would no longer go back to us,” wika ni Manalad sa isang panayam.

Aktibo ang PNP, sa pamamagitan ng WCPC, sa information drive nito upang hikayatin ang mga kababaihang maghain ng reklamo sa mga kaso ng pang-aabuso ng kanilang partner.

Para sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong taon, inihayag ni Manalad na ipagpapatuloy nilang paigtingin ang kanilang information drive at iba pang panukala kontra karahasan laban sa mga kababaihan sa kanilang tahanan.

Tututukan din umano ng mga aktibidad ang paglaban sa acts of lasciviousness. 

“We will also intensify the service of arrest warrants and our advocacy campaign to raise the awareness even in the farthest communities in the country,” giit ni Manalad.

Kada police station sa bansa ay mayroong Women and Children Protection Desk at hinihikayat ni Manalad ang mga kababaihang isumbong ang anumang uri ng karahasan laban sa kanila.

Mayroon din silang hotlines— 09667255961 para sa Globe at 09197777377 para sa Smart—at social media accounts kung saan maaaring humingi ng tulong ang mga kababaihan sa mga pulis. RNT/SA

Previous articlePinoy na inakalang nag-overstay arestado sa Tokyo; mga pulis nag-sorry
Next article2 ‘tulak’ timbog sa P13.6M shabu