Home NATIONWIDE Pinoy na inakalang nag-overstay arestado sa Tokyo; mga pulis nag-sorry

Pinoy na inakalang nag-overstay arestado sa Tokyo; mga pulis nag-sorry

MANILA, Philippines- Nagkamali ang Tokyo police sa pag-aresto sa isang Pilipino nitong Sabado dahil umano sa overstaying ng kanyang visa kahit na nasa proseso siya ng pag-renew ng kanyang residence card, batay sa mga pulis.

Boluntaryong nagtungo ang technical intern na nasa edad 30s sa police station matapos siyang lapitan ng isang officer sa Ueno Station sa Tokyo at hanapan siya ng kanyang residence card, na napaso na. Ayon sa mga pulis, sinabi ng lalaki na nakalimutan umano nitong mag-apply.

Pinakawalan ng mga pulis ang lalaki at humingi ng paumanhin halos isang oras matapos siyang arestuhin bandang alas-7:10 ng gabi nitong Sabado, anila.

Bago siya arestuhin, nakipag-ugnayan ang mga pulis sa Immigration Services Agency ukol sa residence status ng lalaki sa pamamagitan ng section ng Metropolitan Police Department na humahawak sa international crime.

Sa kabila ng pagtugon ng ahensya na nasa proseso ang lalaki ng pag-renew ng kanyang residence card, inaresto siya, batay sa mga pulis.

Itinuturing na legal residents ang mga indibidwal na nasa proseso ng pag-renew ng kanilang residence status at karaniwang makikita ang impormasyong ito sa kanilang cards. Wala umano ang impormasyon ng lalaki sa card dahil nag-apply siya online. RNT/SA

Previous articleJaclyn Jose, pumanaw!
Next articlePagsawata sa karahasan vs kababaihan paiigtingin ng PNP