Home ENTERTAINMENT Jaclyn Jose, pumanaw!

Jaclyn Jose, pumanaw!

Manila, Philippines – Muling nagluluksa ang showbiz sa pagpanaw kahapon ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.

She was 59.

Born October 21, 1964, taong 1984 nang pumalaot sa showbiz si Jaclyn–Mary Jane Santa Ana Guck–sa tunay na buhay.

Isinilang siya sa Angeles City, Pampanga.

She was introduced in the films Chicas and Private Show.

Kabilang din sa mga ‘di malilimutang pelikula ni Jaclyn ay ang Takaw Tukso at Itanong Mo sa Buwan.

She was the first Southeast Asian to have been adjudged as Best Actress at the Cannes International Film Festival.

Nagwagi siya sa kanyang noteworthy performance sa Ma Rosa sa ilalim ng direksyon ni Brillante Mendoza.

Jaclyn had also worked with Lino Brocka and Chito Roño.

Si Jaclyn ay may dalawang anak: sina Andi Eigenmann na nakabase sa Siargao at Gwen Garimond na nasa Amerika.

Habang sinusulat ito’y hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ng aktres sa sanhi ng kanyang pagkamatay.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Jaclyn Jose. Ronnie Carrasco III

Previous articleKapayapaan sa Gaza hirit ni Pope Francis
Next articlePinoy na inakalang nag-overstay arestado sa Tokyo; mga pulis nag-sorry