MANILA, Philippines- Umapela si Pope Francis noong Linggo para sa pagwawakas sa hidwaan sa Gaza, sa pagpapakita ng mga palatandaan ng paggaling matapos makaranas ng bronchitis.
Noong Sabado, itinalaga ng 87 taong gulang na papa ang isang aide upang magbasa ng kanyang seremonya at naglakbay naman noong Miyerkules sa isang ospital sa Roma dahil masama ang kanyang pakiramdam.
“Each day I carry in my heart with pain the suffering of the populations in Palestine and Israel due to the ongoing hostilities, thousands of dead, injured, displaced,” sabi ni Francis sa kanyang Angelus prayer sa Roma.
Sa pagtugon sa mga mananampalataya sa St Peter’s Square, binigyang-diin ni Francis ang mga kahihinatnan ng labanan sa mga bata at hiniling na palayain ang lahat ng mga hostage na kinuha sa pagsalakay ng Hamas noong Oktubre 7.
“Do you really think you can build a better world in this way? Do you really think you will achieve peace? Enough please! Let us all say enough please! Stop!” sabi ni Francis. Jocelyn Tabangcura-Domenden