Home HOME BANNER STORY P1.6-B na penalty sa 1,143 kapos na housing borrowers nilibre na ng...

P1.6-B na penalty sa 1,143 kapos na housing borrowers nilibre na ng GSIS

BINAWI na ng Government Service Insurance System (GSIS) mula sa 1,143 struggling housing borrowers ang P1.6 bilyong halaga ng penalty o multa at nagbigay ito ng P121 milyong halaga ng interest discounts para sa first quarter ng taon.

Sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso na naisakatuparan ito sa pamamagitan ng Housing Accounts Restructuring and Condonation Program (HARCP) na naglalayong kagyat na magbigay ng kaluwagan sa mga miyembro na nagdurusa na matugunan ang overdue payments ng kanilang housing loans.

Pinahihintulutan din ng HARCP ang mga borrowers na mas ibaba ang kanilang monthly payments sa pamamagitan ng muling pagsasaayos ng kanilang loans o utang, palawigin ang kanilang repayment periods ng hanggang 10 taon, at makakuha ng 50% discount sa natitirang interest kung babayaran nila ng buo ang kanilang utang.

“The GSIS envisions to help thousands of families under the debt-restructuring program, to lessen the pressures from other financial obligations. This will remove a large amount of stress for many, many families,” ayon kay Veloso.

“We are fully committed to help our members successfully manage their housing loans and secure their homes. Our mission is to offer support – eviction is not our goal.”aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ni Veloso na ang condonation program ay bahagi ng pinalawak na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program ng administrasyong Marcos sa ilalim ng Pabahay para sa Bagong Bayaning Manggagawa ng Pamahalaan (PBBM), na naglalayong i-promote ang “accessible at affordable homeownership” para sa mga manggagawa sa gobyerno.

“This move will help these families secure their homes during the most difficult of times. We are here to listen, understand and help them find the best way forward,” aniya pa rin.

Samantala, nag-aalok din ang GSIS ng Lease with Option to Buy (LWOB) program, pagpapaupa sa mahigit na 13,000 housing units sa buong bansa kung saan ang nangungupahan ay bibigyan ng prayoridad na bumili ng unit ng walang down payment. Kris Jose