Home HOME BANNER STORY 2 unibersidad sa Cebu binulabog ng bomb threat

2 unibersidad sa Cebu binulabog ng bomb threat

209
0

MANILA, Philippines – Napilitang magsuspinde ng klase ang dalawang unibersidad sa Cebu City nitong Lunes ng umaga, Oktubre 21 kasunod ng bomb threat na ipinost sa Facebook ng mga hindi pa tukoy na indibidwal.

Inanunsyo ng Cebu Technological University (CTU)-Main Campus ang suspensyon ng kanilang mga klase matapos na magpost sa Facebook ang isang “John Steve” kung saan matagumpay umanong nailagay sa paaralan ang isang bomba.

“Bomb Successfully Planted. Say Goodbye CTU Main! You have approximately 5 hours nalang,” saad sa post.

Dahil dito ay sinuspinde ng pamunuan ng paaralan ang klase at inalalayan ang mga estudyante palabas ng paaralan.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, City Disaster Risk Reduction at Management Office (CDRRMO).

Ayon kay Police Colonel Antonietto Cañete, hepe ng Cebu City Police Office (CCPO), matapos ang inspeksyon at imbestigasyon ay walang natagpuang bomba sa loob ng campus.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng taong nagpost ng bomb threat sa social media.

“Well that will be subject to our investigation we already have the initial identity of the one who posted it,” ani Cañete.

Ito umano ang kauna-unahang nakatanggap ng bomb threat ang naturang paaralan.

Samantala, ilang oras makalipas ang bomb threat sa CTU-Main Campus ay nakatanggap din ng kaparehong banta ang Cebu Institute of Technology University (CIT-U) dahilan para suspendihin din ang klase sa naturang unibersidad.

“Classes are suspended in all levels until further notice due to an ongoing emergency situation. Elementary and Junior High School students are currently being supervised by their teachers while safely evacuated on the school grounds,” saad sa abiso ng CIT-U.

Iniimbestigahan na ang dalawang magkahiwalay na insidente ng bomb threat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here