Home METRO 2 utas sa pagsabog sa Masbate mall; isa pang pagsabog naitala

2 utas sa pagsabog sa Masbate mall; isa pang pagsabog naitala

1
0

MANILA, Philippines – Muling nagkaroon ng pagsabog sa labas ng isang mall sa Masbate City nitong Linggo, Nobyembre 15, na ikinasugat ng isang empleyado, isang araw matapos ang unang pagsabog na ikinasawi ng dalawang katao.

Dahil sa panibagong insidente, umakyat sa tatlo ang kabuuang bilang ng mga sugatan sa dalawang pagsabog sa Barangay Pating, Masbate City.

Nagtamo ng pinsala sa mukha ang isang mall employee matapos ang ikalawang pagsabog habang nililinis ang mga debris mula sa naunang insidente.

Nangyari ang unang pagsabog noong Sabado, Nobyembre 14, sa labas ng LCC Market and Department Store sa Tara Street.

Dalawang katao ang nasawi habang dalawa pa ang nagtamo ng mga paso at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasunod ng dalawang insidente, ipinag-utos ng mga awtoridad ang pansamantalang pagpapatigil sa operasyon ng mall habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Isa sa mga sinisilip na posibleng sanhi ng pagsabog ang naipong pressurized biogas sa ilalim ng lupa.

Gayunman, nilinaw ng Police Regional Office 5 (PRO-5) na hindi pa kumpirmado ang sanhi ng pagsabog habang nagpapatuloy ang forensic examination.

Patuloy ding sinusuri ng mga imbestigador ang mga ebidensya, CCTV footage at pahayag ng mga saksi upang matukoy ang eksaktong pinagmulan ng mga pagsabog.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang pamunuan ng mall hinggil sa mga insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here