MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang Vietnamese individuals sa illegal na pagsasagawa ng cosmetic surgery kahit na walang lisensya, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Isinagawa ang entrapment operation nitong Lunes, Hunyo 17, sa isang beauty salon sa H.V. Dela Costa Street sa Bel-Air Village, Makati City.
“The suspects were caught while performing [a] practice of medicine, particularly conducting medical consultation and gave quotations for nose augmentation and body parts modification procedures,” saad sa pahayag ng pulisya.
Ang mga dayuhan ay nagsasagawa ng procedure “without permit or license nor registration with the Professional Regulation Commission (PRC),” dagdag ng CIDG.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina “Phuong,” isang lalaki, at “Nguyen,” isang Vietnamese na babae. RNT/JGC