Home SPORTS 2 W100 title sa Spain naibulsa ni Alex Eala

2 W100 title sa Spain naibulsa ni Alex Eala

135
0

Naging double-celebration ang panalo ni Alex Eala sa W100 Vitoria-Gasteiz sa Spain noong Linggo matapos nitong  nakuha ang titulo ng pambabaeng single nang wala pang 24 na oras matapos angkinin ang kampeonato ng women’s doubles.

Tinalo ni Eala si Andorran Victoria Jimenez Kasinteva, 6-4, 6-4, upang kumpletuhin ang kanyang mga unang career title sa isang W100 tournament.

Dahil sa tagumpay inaasahang nang aangak ang WTA rankings ni Eala ilang araw lamang matapos maabot ang career-best No. 155 sa mundo sa singles.

Noong Sabado, tinalo nina Eala at French partner Estelle Cascino sina Lia Karatancheva at Diana Marcinkevica, 6-3, 2-6, 10-4, para sa doubles title.

Kinailangan ng 19-anyos na lampasan ang isang mahirap na hamon mula sa Andorran nang masira niya ang 4-4 ​​deadlock sa Set 2.

Na-convert ni Eala ang isang mahalagang break point sa Game 9 upang kunin ang 5-4 na pangunguna sa daan patungo sa kanyang ikalimang singles title sa pangkalahatan sa ITF circuit.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here