MANILA, Philippines – Hindi na nakapalag ang isang 20-anyos na lalaki nang arestuhin ito sa kaso ng frustrated homicide sa naganap na manhunt operation sa Valenzuela City.
Ang pagkakaaresto sa akusado ay nag-ugat matapos magasagawa ng pagtugis ang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela-PNP.
Alas-5:10 ng hapon nang tuluyang masukol ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Felix Viernes ang akusado sa Brgy., Gen T De Leon.
Nang isilbi sa akusado ang warrant of arrest para sa kasong Frustrated Homicide ay hindi na ito nakapalag.
Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 171, Valenzuela City, noong Nobyembre 17, 2025 na may inirekomendang piyansa na P72,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Samantala, pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela City Police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. Merly Duero