TABUK CITY, Kalinga – Nasakote ng pulisya ang isang 20-anyos na tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation dito noong Hunyo 19.
Nasamsam sa suspek na isang construction worker ang 20 tuyong marijuana brick na humigit-kumulang 20 kilo na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.
Dinala ang suspek at ang mga ebidensya sa Tabuk police station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.
Samantala, natagpuan ng mga pulis ang isang plantasyon ng marijuana sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga sa isinagawang operasyon noong Hunyo 19.
Natagpuan ang 12,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P2.4 milyon. Ang mga ito ay nawasak pagkatapos ng dokumentasyon. Santi Celario