MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang naging hatol ng Korte laban sa apat na pulis na nakapatay sa mag-ama sa gitna ng anti-illegal drug operation noong 2016.
Sinabi ni Remulla na isa itong testamento na malakas at gumagana ang justice system sa bansa.
Una nang hinatulan na guilty ng Caloocan Regional Trial Court Branch 121 sina Police Master Sergeant Virgilio Servantes at Police Corporals Arnel De Guzman, Johnston Alacre, at Argemio Saguros Jr. dahil sa pagpatay kay Luis Bonifacio at anak nito si Gabriel Lois noong September 2016.
Ipinataw ng korte ang mula anim hanggang 10 taon na pagkakulong laban sa mga akusado.
Inatasan ang mga akusado na magbayad ng tig PHP100,000 bilang actual, moral, temperate damages at civil indemnity.
Pinuri ni Remulla ang mga prosecutor sa matagumpay na pagtatapos ng kaso.
“This serves as a reminder to abusive police officers that no one is above the law, justice will eventually catch up with them,” ani Remulla. Teresa Tavares