Home NATIONWIDE Papalit na DepEd Sec dapat edukador ‘di politiko – solon

Papalit na DepEd Sec dapat edukador ‘di politiko – solon

Manila, Philippines – Edukador at hindi politiko ang dapat na susunod na kalihim ng Department of Education.

Ito ang mungkahi ng mga kongresista kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd Secretary at Co-Vice Chairperson ng NTF-ELCAC.

“It is hoped that her replacement will come from the ranks of experienced and dedicated educators who can efficiently steer and professionally manage the educational system of the country,” ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.

Naniniwala rin si Lagman na ang pagbibitiw ni Duterte sa DepEd ay tugon upang maresolba ang naka-aalarmang krisis sa naturang kagawaran.

Agad namang iminungkahi ni Manila Rep. Joel Chua sa Malakanyang na ang hirangin bilang susunod na kalihim ng kagawaran ay yaong may karanasan sa pagtuturo at isang totoong edukador.

“I humbly suggest to the “search committees” in Malacañang looking for a new DepEd Secretary that they choose a real educator with a track record of success as a public school classroom teacher in basic education. The bottom line is we hope the next DepEd Secretary is a real, outstanding classroom teacher who is a problem solver and manager with multidisciplinary and interdisciplinary experience.”

Iminungkahi pa ni Chua na ang dapat na susunod na kalihim ng DepED ay yaong mga public school teacher awardees ng Presidential Lingkod Bayan Award, CSC Dangal ng Bayan Award, Ten Outstanding Filipinos Award, TOYM Award, at Metrobank Outstanding Teacher Award.

Kasabay nito ay tahasang sinabi ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na ang biglaang pagbibitiw ni Duterte sa kagawaran ay patunay lamang umano na wala siyang malasakit sa sektor ng edukasyon sa simula palang.

“She maneuvered to install herself as head of the department with one of the largest budgetary allocations in the government, at ngayong hindi na nakakatulong sa agenda niya ang manatili sa posisyon ay basta basta niya nalang itong iiwan. She was never a sincere DepEd Secretary since the beginning, and this resignation stunt only proves that,” paliwanang ni Manuel.

Pabor din si Manuel na ang tunay na edukador ang hirangin bilang susunod kalihim ng DepEd. Meliza Maluntag