Home METRO 20 arestado sa online scam syndicate sa Pasay

20 arestado sa online scam syndicate sa Pasay

1
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 katao, kabilang ang dalawang dayuhan, sa isang operasyon laban sa umano’y online fraud syndicate sa Pasay City.

Ayon sa NBI, sangkot ang grupo sa love scam, cryptocurrency investment fraud, at “pig butchering” scheme, kung saan unti-unting kinukuha ang malaking halaga ng pera mula sa mga biktima.

Isinagawa ang entrapment operation noong Hulyo 30 matapos ang surveillance at imbestigasyon ng NBI Special Action Unit at Digital Forensic Laboratory Division.

Sa operasyon, nakumpiska ang maraming computer, laptop, cellphone, internet router, at iba pang electronic devices. Natuklasan din ang isang setup na kahawig ng call center.

Batay sa paunang forensic examination, may mga nakahandang script ang grupo upang makipagkaibigan o makipagrelasyon sa mga target na biktima, makuha ang kanilang tiwala, at hikayatin silang magpadala ng pera sa pamamagitan ng cryptocurrency platforms.

Nakita rin ng mga imbestigador ang paggamit ng pekeng online identities at koordinadong mensahe upang linlangin ang mga biktima gamit ang huwad na investment opportunities at personal na emergency.

Mahaharap ang 20 suspek sa kasong computer-related fraud sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175). RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here