MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa 19 hanggang 20 bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa buong 2025, ayon sa weather bureau.
Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, tig-isang bagyo ang maaaring pumasok sa PAR sa mga buwan ng Enero, Pebrero, at Marso.
Matapos ang tag-init, posibleng mas madalas ang pagpasok ng mga bagyo, na may dalawa hanggang tatlong bagyo kada buwan, tulad ng mga nangyari noong nakaraang taon.
Noong 2024, 17 bagyo ang pumasok sa PAR, anim sa mga ito ay nagdulot ng matinding pinsala. Kabilang dito ang mga bagyong Severe Tropical Storm Kristine hanggang Super Typhoon Pepito na tumama sa bansa noong huling bahagi ng taon. RNT