Home NATIONWIDE 20 illegal gun discharge incidents naitala mula Dec. 16 ‘gang Jan. 2

20 illegal gun discharge incidents naitala mula Dec. 16 ‘gang Jan. 2

MANILA, Philippines- Naiulat ng Philippine National Police nitong Martes ang kabuuang 20 insidente ng illegal discharge of firearms mula December 16 hanggang January 2.

Ani PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, tatlong kaso ay mula sa police personnel, dalawa mula sa Armed Forces of the Philippines personnel, 12 mula sa sibilyan, at isa mula sa barangay kagawad. Hindi pa natutukoy ang dalawa.

“Itong PNP members, AFP members, civilians at ang kagawad ay nasampahan na ng kaso, at ang iba po ay nakakulong pa,” pahayag ni Fajardo sa Camp Crame sa Quezon City.

Pitong indibidwal din ang sugatan sa mga kaso ng illegal discharge of firearms, aniya pa.

Binanggit ni Fajardo mas mababa ang bilang ng mga kaso kumpara sa 25 at 26 kasong naitala sa parehong period noong 2021 at 2022.

Sa kaso ng ligaw na bala, nakapagtala ng 13 insidente, kung saan 12 ang nasugatan.

Iniulat din ng PNP official na ang Mariveles, Bataan incident, na nagresulta sa pagkasawi, ay hindi kaso ng ligaw na bala.

“’Yung kaso sa Mariveles, Bataan, na initially ay nai-report na stray bullet, after conducting further investigation, it turned out na hindi po ito kaso ng stray bullet, kaya wala tayong namatay sa stray bullet,” paliwanag ni Fajardo.

“Umpisa pa lamang po ay doubtful na ang ating investigators dahil ang mismong mga kainuman ng biktima ay iba-iba ang statements. Nung ini-imbestigahan na sila, dahil ang tama ng biktima ay sa gilid ng katawan at walang dugo,” dagdag niya.

“Based sa investigation at paraffin test sa apat na kainuman, eventually, umamin ang suspect. Sinabi niyang aksidente niya lang nabaril ang biktima.”

“Kanina, in-inquest na ang suspect at sasampahan ng kaso rin ang tatlo pa niyang kainuman because they attempted to hide the incident.”

Hindi pa natutukoy ang mga suspek sa stray bullet incidents.

Noong 2022, nakapagtala ang PNP ng 12 kaso ng stray bullets.

Samantala, dalawang katao ang nasawi—tig-isa sa Region 1 at Region 5—dahil sa paputok.

“Ang sa Region 1, kung saan may isang namatay noong December 25. Incidentally, may naka-stock na firecrackers doon sa stockhouse. Nanigarilyo po, ‘yun ang cause bakit sumabog ang warehouse na kinalalagyan ng firecrackers,” ani Fajardo.

“Ang isa naman ay doon sa Region 5, self-inflicted. Sinindihan ng biktima ang whistle bomb at sumabog ito,” patuloy ng opisyal.

Nakumpiska naman ng mga awtoridad ang 216,819 piraso ng ilegal na paputok na nagkakahalaga ng P4,173,982.

“’Yung accomplishment ng PNP with respect to crackdown of illegal firecrackers, dumoble pa this year compared last year, kung saan more or less P2.5 million confiscated illegal firecrackers ang naitala… Hindi nagkulang pagdating sa enforcement ang PNP, bagama’t there will always be room for improvement,” wika ng PNP official. 

“Gusto nating lagi tayong open sa pakikipagcollaborate at coordinate sa mga ahensya ng gobyerno.” RNT/SA