Home METRO PNP walang namo-monitor na banta sa Traslacion 2024

PNP walang namo-monitor na banta sa Traslacion 2024

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na wala pa itong naitatalang seryosong banta sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Nazareno ngayong buwan.

“Sa ngayon, wala pa tayong nare-receive na any credible, serious threat pagdating po sa Traslacion 2024,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang press conference.

“Pero kagaya ng sinasabi ng ating Chief PNP (but like what our Chief PNP said), we are hoping for the best but we are preparing for worst scenario if ever po,” dagdag niya.

Bagama’t wala pang pinal na desisyon, sinabi ni Fajardo na kinokonsidera ng mga awtoridad na i-jam ang signal at ipatupad ang “no fly, no drone zone” policy sa Traslacion.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng clearing operations sa ilang lugar para sa annual religious na karaniwang dinadaluhan ng milyon-milyong deboto.

Hihigpitan ng mga awtoridad ang seguridad sa ilang lugar sa harap ng Quiapo Church maging sa mga kalsadang pumapalibot sa chapel.

Kabilang sa prohibited items ang backpacks at water bottles maliban sa transparent na mga bote, maging payong at bull caps.

Ipatutupad din ang physical distancing sa mga Misa dahil sa banta ng communicable diseases.

Halos dalawang milyong indibidwal ang inaasahang makikilahok sa Black Nazarene feast. 

Anang PNP, nasa 15,000 pulis ang itatalaga nito.

Para naman sa Taslacion o prusisyon ng 400-taong Black Nazarene image mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church, mahigit 5,600 tauhan ang inisyal na itatalaga.

Inilatag na rin ng Quiapo Church officials ng ruta para saTraslacion procession, na kasado sa January 9.

Hindi isinagawa ang tradisyunal na Traslacion sa nakalipas na tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic. RNT/SA

Previous article2nd round ng procurement process para sa 2025 elections kasado sa Enero 8
Next article20 illegal gun discharge incidents naitala mula Dec. 16 ‘gang Jan. 2