ISTANBUL — Umabot sa 20 miyembro ng Iraq’s Popular Mobilization Forces (PMF) ang nasawi at 32 iba pa ang nasugatan sa magdamag na magkasanib na airstrikes ng United States at Saudi Arabia sa ilang lalawigan sa Iraq.
Sa pahayag na inilathala ng Iraqi News Agency, sinabi ng PMF na tinamaan ang kanilang mga headquarters at pasilidad sa Baghdad, Wasit, Nineveh, Basra, Kirkuk, Karbala, at Diyala, na nagdulot ng malawakang pinsala sa mga sasakyang militar at kagamitan.
Patuloy umanong nagsasagawa ng field assessment ang mga specialized committee upang matukoy ang kabuuang lawak ng pinsala.
Sinabi ng US Central Command na nagsagawa ang mga puwersa ng US at Saudi Arabia ng precision strikes laban sa mga target na kaugnay ng Iranian-aligned groups na iniuugnay sa mga pag-atake sa US forces at Saudi energy infrastructure.
Ayon sa Saudi Arabia, isinagawa ang operasyon bilang self-defense kasunod ng mga pag-atakeng inilunsad mula sa teritoryo ng Iraq laban sa mga petroleum facility ng kaharian, alinsunod sa Article 51 ng United Nations Charter.
Nagbabala rin ang Saudi Arabia na maaari itong magsagawa ng karagdagang military action kapag muling umatake ang Iran-backed groups. Dave Baluyot