Home NATIONWIDE Walang Pinoy na nasawi sa M-7.1 lindol sa Japan – DMW

Walang Pinoy na nasawi sa M-7.1 lindol sa Japan – DMW

1
0

MANILA, Philippines — Mahigpit na mino-monitor ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kalagayan ng mga overseas Filipino worker kasunod ng magnitude 7.1 na lindol sa Kumamoto Prefecture sa katimugang Japan.

Wala pang naiulat na nasawi o nasugatang Pilipino, ayon sa ahensya.

Sinabi ng DMW na nakikipag-ugnayan ang Migrant Workers Office (MWO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Osaka sa Philippine Consulate General in Osaka at Filipino community upang matiyak ang kaligtasan ng mga OFW sa mga apektadong lugar.

“As of the issuance of this advisory, no injuries or casualties involving Filipino nationals have been reported. The MWO and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) in Osaka are coordinating with the Philippine Consulate General in Osaka and the Filipino community to verify the safety and welfare of OFWs in the affected areas,” saad sa advisory.

Ayon sa The Japan Times, tumama ang lindol sa Kyushu region dakong alas-4:27 ng hapon nitong Martes.

Sinabi ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na umabot na sa 13 ang kumpirmadong nasawi sa Kumamoto Prefecture nitong Miyerkoles ng umaga. Posible pang tumaas ang bilang dahil marami pa ang nawawala.

“I offer my deepest condolences to those who have lost their lives,” ani Takaichi, kasabay ng pagtitiyak na gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng magagamit na resources para sa rescue operations.

May ilang tao umanong na-trap matapos bahagyang gumuho ang isang shopping mall, habang marami rin ang nawawala sa isang paper factory.

Pinayuhan ng DMW ang mga Pilipino sa Kyushu at mga karatig-lugar na manatiling alerto, maghanda sa posibleng aftershocks, at sumunod sa mga abiso ng local authorities at Japan Meteorological Agency.

Maaaring tumawag ang mga nangangailangan ng tulong sa MWO at Philippine Consulate General in Osaka sa +81 6-6575-7593, +81 70-2275-6082, +81 70-2447-4016, at +81 90-4036-7984. Maaari ring mag-email sa [email protected] o tumawag sa DMW-OWWA Hotline 1348 mula sa Pilipinas o ibang bansa.

“The DMW will issue additional advisories as verified information becomes available,” ayon sa DMW. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here