MANILA, Philippines – Umabot na sa 20 ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng at ang pinalakas na Habagat noong nakaraang linggo, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, Setyembre 9.
Sa kabuuang 20 nasawi, 11 ang mula sa CALABARZON, apat mula sa Bicol, tig-dalawa mula sa Central at Eastern Visayas, at isa mula sa Western Visayas.
Nasa 741,000 pamilya naman o 2.8 milyong katao ang apektado ng bagyo. Mahigit 7,500 sa mga ito ay nasa evacuation centers na karamihan ay mula Bicol at Central Luzon.
Tinataya namang nasa mahigit P698.9 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura, at P659 milyon sa pinsala sa agrikultura mula sa limang rehiyon. Pinakanapuruhan dito ang Bicol region.
Ayon pa sa NDRRMC, idineklara ang state of calamity sa 39 lungsod at munisipalidad kung saan 37 sa mga ito ang mula sa Bicol. RNT/JGC