Home NATIONWIDE 200 bala nakumpiska sa mga paliparan ngayong Semana Santa

200 bala nakumpiska sa mga paliparan ngayong Semana Santa

187
0
NABISTO ng mga tauhan ng NAIA-IADTG PDEA Ro NCR ang isang Portuguese national na kinilala sa alyas Pedro, matapos itong dumaan sa X-ray Machine sa Departure Area ng NAIA Terminal 2, Pasay City at makitaan ng pinaghihinalaang droga at pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa 5 gramo na nanggaling pa sa bansang Thailand. JIMMY HAO

MANILA, Philippines – Nasa 200 bala ang nakumpiska sa mga paliparan sa buong bansa ngayong Semana Santa, ayon kay Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Gilbert Cruz nitong Miyerkules, Abril 1.

Ayon kay Cruz, mahigit 100 sa mga nabanggit na bala ay nasamsam sa NAIA.

Karaniwang nakakakumpiska ng nasa walo hanggang 15 bala kada araw sa NAIA at kabilang sa mga insidente ay ang mga pasaherong dinadala ito bilang kanilang anting-anting.

“Sometimes they actually say they don’t know because they just borrow the bag… When we profile them and find out that what they’re saying is true, we let them continue on the trips,” ani Cruz.

Samantala, tinukoy ng OTS administrator ang insidente ngayong Semana Santa kung saan mayroong 65 live ammunitions sa dalawang magazine ng M-16 ang narekober sa isang babaeng pasahero sa paliparan sa Palawan na patungo sana ng NAIA.

“Obviously, it’s too big for you not to know. It’s big. He couldn’t explain it, so we turned them over to the PNP (Philippine National Police),” sinabi ni Cruz.

Kasalukuyang nahaharap sa reklamo ang babae na illegal possession of ammunition.

Bukod sa bala, karaniwan ding nakukumpiska na mga ipinagbabawal ay ang mga kutsilyo, gunting, ice pick at iba pang bladed weapon at pointed objects. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here