MANILA, Philippines – Nakapagtala ng nasa mahigit 161,000 libong aplikasyon ang Commission on Elections (Comelec) sa pamamagitan ng Register Anywhere Program o RAP para sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM).
Sa ibinahaging datos ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, kabuuang 161,429 ang aplikasyon na naproseso ng Comelec simula Pebrero 19 hanggang sa huling araw ng voter registration nitong Marso 31, 2026.
Sa bilang na ito, may pinakamaraming nagparehistro sa Lanao del Sur na may 50,918 na sinundan ng Maguindanao del Norte na nakapagtala ng 31,666.
Umabot naman sa 26,175 sa Maguindanao del Sur habang 21,734 naman sa Basilan.
Sa Special Geographic Area, mayroon lamang 16,505 at nakapagtala ng pinakamababang bilang ng mga nagparehistro sa Tawi-Tawi.
Itinakda ang BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden