Home HOME BANNER STORY 200 drayber sa PITX sumailalim sa random drug test

200 drayber sa PITX sumailalim sa random drug test

305
0

MANILA, Philippines – Sumailalim sa random drug testing ang mga bus driver at konduktor sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) bilang bahagi ng safety measures sa dagsa ng mga pasahero ngayong Undas.

Ayon sa ulat, 200 ang sumailalim sa drug screening at wala sa mga ito ang nagpositibo sa illegal na droga.

Malugod namang tinanggap ng mga drayber ng bus at konduktor ang naturang screening.

Suportado rin ng mga pasahero sa terminal ang naturang hakbang.

Kung magpopositibo sa drug test ay sususpendihin umano ang lisensya ng mga ito at sasailalim sa confirmatory test at intervention bago payagan na muling makabyahe.

Target pa ng Department of Transportation na magsagawa ng regular drug testing sa mga drayber.

“Hahanapin po namin ng paraan na it will become a policy…na hindi lang sa ganitong panahon, pero every now and then, we should do random drug testing,” sinabi ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here