Home NATIONWIDE PBBM, First Lady dumalo sa ‘Thrilla in Manila’ 50th anniversary commemoration

PBBM, First Lady dumalo sa ‘Thrilla in Manila’ 50th anniversary commemoration

304
0

MANILA, Philippines – Dumalo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa 50th anniversary commemoration ng “Thrilla in Manila” sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 29.

Inilabas ng Presidential Communications Office ang mga larawan ni Marcos at ng First Lady na dumalo sa event kasama sina dating senador Manuel “Mar” Roxas II at Manny Pacquiao.

Nakaharap din ni Marcos ang iba pang mga boksingero sa naturang event.

Matagumpay na naipagtanggol ni Melvin Jerusalem ang kanyang WBC minimumweight title matapos talunin si Siyakholwa Kuse ng South Africa sa pamamagitan ng unanimous decision sa main event ng “Thrilla in Manila 2” na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Huwebes. (via Cesar Morales)
Via Cesar Morales

Nauna nang nag-isyu ang Malakanyang ng memorandum circular na humihikayat sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na suportahan ang Philippine Sports Commission bilang bahagi ng mga paghahanda para sa 50th anniversary commemoration ng “Thrilla in Manila,” tampok sina heavyweight champions Muhammad Ali at Joe Frazier noong Oktubre 1, 1975.

Ang makasaysayang laban ay ginanap noon sa The Big Dome. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here