Home SPORTS Davao naka-gold sa shot put event ng Batang Pinoy

Davao naka-gold sa shot put event ng Batang Pinoy

332
0
KUHA NI REY NILLAMA
KUHA NI REY NILLAMA

GENERAL SANTOS CITY – Naibulsa ng pambato ng Davao ang gold medal sa shot put sa girls U16 sa Batang Pinoy National Championships sa Athletics  na ginanap sa  Antonio Ancharon Sports Complex, National High School sa General Santos City.

Nakuha ni Khea Jean Ceniza ng Davao ang gold medal matapos bumato ng pinakamalayong distansiya na 9.88 meters sapat upang mangibabaw sa U16 event na nilahukan ng mga batang atleta mula sa ibang-ibang schools at local governments sa bansa.

Ayon kay Khea, pangarap talaga niyang makasungkit sa gintong medalya sa prestihiyosong taunang event na pinangungunahan ng Philippine Sports Commission sa pangunguna ni Chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Handog umano niya ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kanyang ina, coaches, at mga kaibigan na walang humpay na sumuporta sa kanya hanggang marating ang tagumpay.

“Mas lalo kong pag-iigihan ang ensayo upang sa mga susunod na paglahok ko sa ganitong event ay hindi na ko kakabahan at mahihirapan sa laban.

Pangarap umano niyang lumahok sa SEA Games at maging sa Olympics.RICO NAVARRO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here